Ina, 3 anak minasaker
Tinadtad ng saksak
MANILA, Philippines — Tadtad ng mga saksak nang matagpuan ang isang ina at tatlo nitong anak na menor-de-edad sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Lipatan, Josefina, Zamboanga del Sur, kahapon ng umaga.
Kinilala ang mag-iinang nasawi na sina Arlene Dumalte, 42-anyos, health worker ng barangay; mga anak nitong sina Nashyl, 16; En-en, 14, at Arnel,11.
Sa ulat ni P/Lt. Julito Pamalaran, hepe ng Josefina Municipal Police Station (MPS), alas-6:45 ng umaga nitong Lunes nang madiskubre ang krimen.
Batay sa ulat, kasalukuyang naglalakad si Alejo Indangan, konsehal ng nasabing barangay nang makita niya ang nakalawit sa dingding na kamay ng ginang na duguan.
Agad niyang inireport sa mga otoridad ang nasaksihan na agad rumesponde sa lugar.
Nang pasukin ng mga otoridad ang bahay ay nakita ang duguang bangkay ng mag-iina na pawang tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Pinaniniwalaan na isinagawa ang krimen Linggo ng gabi dahilan nakita pa ang mga bata na nasa public wifi station, alas-8:00 ng gabi.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung sino ang nasa likod ng krimen at motibo ng pagpatay.
- Latest


















