DOH, isinusulong total ban sa vape
MANILA, Philippines — Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang tuluyang pagbabawal sa paggamit ng vape bunsod na rin ng panganib na dulot nito sa kalusugan ng taong gumagamit nito.
Ayon kay DOH OIC-Director Dr. Dominic Maddumba, kung hindi maipatupad ang total ban ay limitahan ang paggamit ng vape na dapat ay gawin itong plain tobacco na lamang at huwag nang magkaroon ng iba’t ibang flavor upang hindi mahikayat ang mga kabataan na gumamit nito.
Una nang sinabi ng DOH na mapanganib ang e-cigarettes at mga produktong tabako dahil maaari itong magresulta sa pagkakaroon ng cardiovascular disease, cancer, at iba pang sakit sa baga.
- Latest



















