36% ng mga Pinoy may CKD - DOH
MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay ng sakit sa bato o chronic kidney disease (CKD).
Sinabi kahapon ng DOH, isa sa tatlong Pilipino o katumbas ng 36% ng populasyon ang may CKD.
Anya, ang CKD ay isang kondisyon na unti-unting humihina o nasisira ang mga bato kaya nahihirapan alisin ang dumi o sobrang tubig sa katawan.
Puwede naman umano itong tumama sa kahit sino habang may mataas na panganib sa mga taong may diabetes, hypertension, at family history ng kidney diseases.
Gayundin ang mga taong obese, naninigarilyo o nagve-vape, umiinom ng alak, madalas kumain ng mga pagkaing mataas sa asukal, asin, at preservatives.
“Silent killer ang CKD dahil madalas, wala itong sintomas sa umpisa. Pero maaari mong maranasan ang pamamaga ng mukha, kamay, at paa, madalas na pag-ihi lalo sa gabi, pagkawala ng gana sa pagkain, at hirap sa paghinga,” ayon pa sa DOH.
Pinapayuhan naman ang publiko na bawasan ang pagkain ng ultraproccesed food na madalas maging sanhi ng sakit ng bato.
- Latest



















