^

Police Metro

Pastor na killer ng nursing student sumuko

Joy Cantos, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ngayon ng Police Regional Office 4-B ang isang pastor na umamin na siya ang pumatay sa isang 20-anyos na nur­sing student sa Calapan City, Oriental Mindoro matapos siyang sumuko sa isang opisyal sa Quiapo, Manila, noong Linggo ng gabi.

Ang akusado na kinilalang si Nhemmy Astoriano, 26-taong-gulang na pastor mula sa Barangay Milagrosa sa Bulalacao, Oriental Mindoro ay sumuko kay PRO4-B Regional Intelligence Division chief, Colonel Jerry M. Laylo sa Church of Christ na matatagpuan sa kahabaan ng Cruzada Street sa Quiapo noong alas-11:30 ng gabi ng Linggo.

Sinabi ni PRO4-B director, Brigadier General Christopher C. dela Cruz na sumuko ang suspek matapos maramdaman ang tumitinding presyon ng nagpapatuloy na imbestigasyon at operasyon ng pagtugis na inilunsad ng kanyang mga tauhan kasunod ng pagkakatuklas sa bangkay ng estudyante ng nursing sa isang bakanteng lote sa kahabaan ng isang kalsada ng barangay sa Bgy. Sapul sa Calapan City noong nakaraang Sabado, bandang ala-1:15 ng mada­ling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Maru Gabayno, 3rd year na kumukuha ng Bachelor of Nursing sa Saint Anthony College sa Calapan City ay walang pang-ibabang saplot at may saksak sa dibdib na siya nitong ikinasawi.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote sa kahabaan ng isang bahaging kulang sa ilaw ng kalsada ng barangay sa Bgy. Sapul, na may nakikitang sugat sa dibdib at nakababa ang mga panloob na kasuotan, na nagdulot ng hinalang maaaring siya ay seksuwal na inabuso.

Inihayag ng suspek na kaya nagawa niya ang ang krimen dahil umano ay bina-blackmail siya ng dalaga sa ipinagbubuntis nito gayong hindi naman umano sila nagtatalik na labis niyang ikinagalit na humantong sa pamamaslang.

Ang nasabing pastor ay nahaharap sa kasong murder.

 

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with