Bulkang Mayon sa Bicol sumabog!
MANILA, Philippines — Sumabog ang Bulkang Mayon sa Bicol kasunod ng patuloy na Uson o pyroclastic Density currents (PDCs) kahapon ng hapon. Simula alas-5:35 ng hapon kahapon, May 2, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, nagsimula ang pagsabog alas-5:35 ng hapon partikular na naapektuhan ng Uson ay ang Barangay Anoling sa Camalig, Albay.
Ang Uson ay isang deadly PDCs na may mabilis, mainit na paglabas ng gas, abo at rock fragments na dumadaloy pababa sa dalisdis ng bulkan na maaaring ikamatay ng isang tao kung malapitan ang contact nito at mabagal na lava flows. Alas-5:38 ng hapon naganap ang dense volcanic plumes sa may Barangay 4 sa Camalig, Albay makaraan ang naganap na matinding pagbagsak ng lava PDC event mula sa bulkan.
Dulot nito, dumaloy ang lava sa mga dalisdis ng bulkan sa may Basud na may 3.8 kilometro ang haba, Bonga na may 3.2 km ang haba at Mi-isi na may 1.6 km ang haba na may panaka-naka at mahinang strombolian activity at panandaliang lava fountaining.
Nagtala rin ng 39 volcanic earthquakes kabilang ang 21 volcanic tremors na may isa hanggang 44 minuto ang itinagal at 376 rockfall events.
Nagluwa rin ang bulkan ng 2,147 tonelada ng asupre mula sa bunganga nito at katamtamang pagsingaw na napadpad sa kanluran-timog-kanluran, kanluran-hilagang kanluran at kanluran.
Sa kabila ng muling pagsabog ng Mayon, nananatili itong nasa Alert Level 3.
- Latest





















