^

Police Metro

‘Self-rated poverty’ ng mga Pinoy bumaba – OCTA  

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng OCTA Research na  bumaba ang bilang ng self-rated poverty ng pamilyang Pilipino.

Ito ay batay sa inilabas na survey, kung saan mula 37% ay pumalo na lamang sa 35% ang self-rated poverty na ­isinagawa noong March 19 hanggang 25 o unang kuwarter ng taong kasalukuyan.

Ito ay nangangahulugan na nasa 9.2 milyon na lamang ang self-rated poverty, mas mababa kumpara sa 9.8 milyon na naitala noong Disyembre 2025.

Sa naturang survey, 24% ang nagsabi na “not poor,” o hindi mahirap habang 41% ang hindi makapagsabi kung sila ay mahirap o hindi.

Nanatiling mataas ang self-rated poverty sa Mindanao na may 56%, at sinundan ng Visayas na may 44%.

Kung pagbabasehan naman sa socioeconomic class, mataas ang self-rated poverty was sa lower-income households na may 58% na Class E families kumpara sa 35% sa Class D at 15% sa Class ABC.

Nagpakita rin ng ­bahagyang paggalaw sa food poverty kung saan mula sa 30%, tumaas ito sa 31% o nangangahuugan ng 8.1 milyong pamilya.

Isinagawa ang non-commissioned survey sa 1,200 respondents sa may 18-anyos pataas gamit ang face-to-face interviews.Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level.

POVERTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with