^

Police Metro

4 KFR member todas sa shootout

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pang-masa
4 KFR member todas sa shootout
Narekober ng mga otoridad ang inabandonang MPV sa kahabaan ng Adriatico St., Malate, Maynila na umano’y sinasakyan ng tatlong kidnaper matapos na mapatay ang apat nilang kasama sa isang rescue operation sa Parañaque City sa kinidnap nilang Fil-Indian trader.
Edd Gumban

Kinidnap na 78-anyos na Fil-Indian, nasagip…

MANILA, Philippines — Patay ang apat sa pitong miyembro ng Kidnap For Ransom (KFR) group nang mauwi sa shootoout ang rescue operation sa kinidnap na 78-anyos na lalaki sa  Pa­rañaque City, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Director PBGen.Glicerio Cansilao ang mga napatay na suspek na sina Rhian Martinez de Guzman; Argel Valenzuela Nabor, 39; Robert Allan Raz; at Robin Escandor Reyes, 24.

Nasamsam kay De Guzman ang National Bureau of Investigation (NBI) identification card habang sina Nabor at Reyes ay mga AWOL na pulis noong 2025 na dating nakadestino sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Bukod dito ay may outstanding warrant din si Nabor sa kasong malversation of public funds o property na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 28 noong Pebrero.

Habang nasagip sa operasyon ang biktimang Indian national na kalaunan ay naging Filipino citizen na dinukot alas- 5:30 ng hapon noong Abril 14, 2026 habang pauwi sa bahay sa Makati City.

Nabatid na noong ng Martes ng gabi ay tatlong beses na nakipag-ugna­yan ang mga kidnaper sa manugang at asawa ng biktima at humihingi ng P50 milyong ransom.

Nagawa ng pamilya ng biktima na makipagkasundo sa ransom hanggang P10 milyon at i-set up ang pay-off malapit sa isang mall sa kahabaan ng Macapagal Boulevard sa Parañaque City noong Miyerkules ng alas-7:52 ng gabi.

Matapos ibigay ng manugang na babae ang P10 milyong ransom at nang mapalaya na ang biktima ay dito na sumulpot ang mga otoridad at pinagbabaril sila ng mga suspek na sakay ng ­Toyota Fortuner at Mitsubishi Xpander.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at nasapol ang mga sakay ng Toyota Fortuner na agad sinugod sa ospital pero idineklara na silang dead-on-arrival.

Samantala, nitong Huwebes ng madaling araw ay narekober ang Mitsubishi Xpander ng mga otoridad sa Malate, Maynila na sinasakyan ng tatlo pang suspek na nakatakas.

Narekober sa sasakyan ang ilang uniporme ng PNP, isa rito ay may pa­ngalang “Fabros;” isang pistol ng hindi kilalang kalibre na may hindi bababa sa dalawang magazine at ilang cartridge; isang granada ng kamay; at mga plate number NIG 9492 at NJF 8105, at ang hindi pa tiyak na bahagi ng ransom money, ani Cansilao.

KIDNAP FOR RANSOM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with