^

Police Metro

LPG refill store sumabog: 2 kelot nahati ang katawan

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang kinatay na hayop ang katawan ng dalawang lalaki matapos masapol ng mga sumabog na LPG tank sa loob ng isang bahay sa Diamond Village, Brgy Salawag, Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng umaga.

Nalasog at nagkahiwa-hiwalay ang parte ng katawan ng mga biktima na sina  alyas “Bryan”, 20- anyos; at alyas “Honorio”, 65-anyos, kapwa residente sa Coral St., na kung saan ang may-ari ng bahay ay si alyas “Greg”, 65, na siyang namamahala sa Trijonetrics Corp LPG.

Ayon sa imbestigas­yon, nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga kapitbahay at sumiklab ang apoy kaya naman ­rumesponde ang mga bumbero at agad naapula ang apoy.

Nang pasukin ang bahay ay nakita ang mga lasog na katawan ng da­lawang biktima.

Ayon sa mga residente na ang nasabing bahay ay ginagawang refilling station ng mga LPG.

Ang matandang namatay ay kasosyo ng may-ari ng bahay habang ang 20-anyos ay tauhan.

LPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with