SHS student tumalon sa falls, nalunod

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na lalaking senior high school student ang nasawi matapos malunod sa Mina Falls sa Barangay Cabezas, Trece Martires City, Cavite.
Sa imbestigasyon ng Trece Martires City Police, bandang alas-4:30 ng hapon noong Sabado, Abril 11 nang tumalon umano sa talon ang biktima ngunit tuluyan itong lumubog at hindi na muling nakita.
Agad humingi ng tulong sa barangay tanod ang kaibigan ng biktima upang hanapin ito.
Nagsagawa ng paghahanap sa paligid kabilang ang mga cottage, ngunit hindi agad natagpuan ang biktima.
Dakong alas-7:30 ng gabi nang madiskubre ng mga barangay tanod ang biktima lulutang-lutang na sa tubig ng ilog.
Isinugod pa ito General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ngunit idineklarang wala nang buhay, alas-8:10 ng gabi.
- Latest

















