^

Police Metro

US-Iran peace talks, walang naabot na kasunduan

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang naabot na kasunduan sa Iran matapos ang halos 21 oras na negosasyon na layong resolbahin ang anim na linggong sigalot sa pagitan ng dalawang bansa sa ginanap na peace talk sa Pakistan, ayon sa ulat ng Agence France-Presse.

Ito ang kinumpirma ni United States Vice President JD Vance sa isang press briefing nitong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) na nanguna sa delegasyon ng Amerika sa pakikipag-usap sa Iran bagaman at wala silang nakuhang commitment mula sa Tehran kaugnay sa nuclear issue kahit pa sinabi niyang ibinigay niya ang “best and final offer.”

Anya, nagkaroon sila ng “substantive discussions” kasama ang panig ng Iran,ngunit hindi pa rin ito nauwi sa anumang pinal na kasunduan.

Ayon sa Bise Presidente, malinaw na ipinahayag ng US ang kanilang “red lines” at mga bagay na handa nilang pagbigyan para sa Iran.

Iniulat ng Iranian media na magpapatuloy ang makasaysayang pag-uusap kung saan pinaniniwalaang isa sa pinakamahalagang isyu ang Strait of Hormuz.

PAKISTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with