^

Police Metro

Pulis at delivery rider, binugbog ng 6

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtulungang bugbugin ng anim na kalalakihan ang isang pulis at isang delivery rider sa Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkules ng gabi.

Nagtamo ng mga pasa, sugat at bukol sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang na hindi na muna pinangalanan.

Arestado naman ang apat sa mga suspek habang pinaghahanap ang dalawa pa.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Sampaloc Police Station 4, alas-10:40 ng gabi ng Miyerkules nang maganap ang insidente sa kanto ng G. Tuazon at Batanes St. sa Sampaloc.

Nauna rito, pauwi na umano ang pulis na nakasibilyan at kaniyang kasintahan nang madaanan nila ang kaguluhan sa pagitan ng mga suspek at ng delivery rider.

Huminto ang pulis upang umawat at dito nagsumbong ang rider na ninakawan siya ng isang menor-de-edad.

Umaksiyon ang pulis at sa layuning dalhin ang menor-de-edad sa presinto, ay isinakay ito sa kaniyang motorsiklo.

Inakala umano ng mga suspek na sinasaktan ng pulis ang bata kaya’t pinagtulungan gulpihin ng mga suspek na kahit nagpakilala na bilang alagad ng batas ay hindi pa rin tumigil ang grupo sa pambubugbog.

Dito na napilitan ang pulis na magpaputok ng kaniyang service firearm sanhi upang magpulasan ang mga suspek.

BUGBOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with