^

Police Metro

Tigil-putukan inayawan ng Iran

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinanggihan umano ng Iran ang panukalang 45-araw na ceasefire dahil mas nais nito ang pangmatagalang kapayapaan sa digmaan kung saan sangkot ang US at Israel, ayon sa ulat ng Reuters.

Tinutulan din ng Iran ang pressure na muling buksan ang Strait of Hormuz sa kabila ng babala ni US President  Donald Trump na “aalisin” ang bansa kung hindi nito matutugunan ang kanyang deadline nitong Martes ng gabi upang maabot ang isang kasunduan.

Ang tugon naman ng Iran sa panukala ng US ay idinadaan sa pamamagitan ng Pakistan na nagsi­silbing mediator.

Napaulat na sinabi ni Defense Secretary Pete Hegseth na isasagawa nila ang pinakamalaking “vo­lume” ng strikes na mas matindi pa noong day one.

Sinabi naman ni Mojtaba Ferdousi Pour, head ng diplomatic mission ng Iran sa Iran Cairo na tatanggapin lamang nila ang pagtatapos ng digmaan kung magkakaroon ng kasigiraduhan na hindi na muli silang aatakehin.

Sinabi rin sa ulat na wala ng tiwala ang Iran sa administrasyon ni Trump matapos dalawang beses na bombahin ng US ang Islamic Republic habang mayroong pag-uusap.

GERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with