^

Police Metro

Karpintero, pinatay ng katoma

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 59-anyos na karpintero matapos na siya ay saksa­kin ng tatlong beses sa likod ng kanyang kainuman naganap nitong Martes ng hapon sa Barangay Lamo, Dupax del Norte, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Leo Pico, residente ng Purok Hollywood North habang ang suspek na agad naaersto ay kinilalang si alyas “Waway”, 31, residente ng Purok Kasantolan, Barangay Mabasa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang ilang mga kaibigan ay naasar umano ang una sa huli kaya’t ito ay biglang umalis.

Ilang sandali ay agad din itong bumalik ang suspek na may hawak na kutsilyo at pinagsasaksak sa likuran ang biktima ng tatlong beses.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with