Walang ‘war on drugs’ sa Marcos administration - DILG

MANILA, Philippines — Para umano labanan ang illegal na droga sa bansa ay hindi nagdeklara ng “war on drugs ang administrasyong Marcos.
Ito ang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, dahil prayoridad ng administrasyon ang legal na proseso at kolaborasyon sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan.
“Ayokong gamitin ang salitang war on drugs kasi ang war on drugs is may casualty. This is a campaign against illegal drugs. Itong nakikita natin ngayon ay collaboration ng whole of government, barangay at PNP hanggang PDEA,” pahayag ni Remulla.
Magkasama sina Remulla at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General, Undersecretary Isagani Nerez sa pagsira sa 1.136 tonelada ng illegal na droga na nagkakahalaga ng P4.56 bilyon sa Integrated Waste Management facility sa Barangay Aguado,Trece Martires City, kahapon.
Ang mga nakumpiskang illegal na droga ay inilagay sa thermal decomposition chamber kabilang na ang 555 kilograms ng methamphetamine hydrochloride (shabu), 442 kilograms ng marijuana, 117 kilograms ng cocaine, 1.66 kilograms ng MDMA (ecstasy), 15.8 kilograms ng ephedrine, 0.507 kilogram ng ketamine, pati na ang liquid meth, amphetamine, toluene, at expired medicines.
Tiniyak naman ni Remulla na sumunod sa istriktong legal procedures ang pagsira sa mga illegal na droga kabilang na ang court authorization.
- Latest





















