^

Police Metro

ERC: Mataas na singil sa kuryente, asahan sa Abril

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Higit pang tataas ang electricity rates sa bansa sa buwan ng Abril, bunsod na rin nang pagsapit ng panahon ng tag-init at nararanasang malakihang oil price hike dulot ng giyera sa Middle East.

Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Francis Saturnino Juan, kabilang din sa inaa­sahan nilang magpapataas sa presyo ng kuryente ay ang mas mataas na shipping costs para sa oil, coal at natural gas, na ginagamit sa mga power plants sa bansa.

Aniya, karaniwan na ang pagtaas ng power rates kapag tumataas ang demand dito dahil sa panahon ng tag-init.

Gayunman, dahil sa pagtaas na presyo ng mga produktong petrolyo ay inaasahang mas malaki pa ang itataas nito sa ngayon.

Batay sa pagsusuma ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines, na siyang nag-o-operate ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM), makikitang ang pagtaas ay maaaring umabot ng mula P2 hanggang P4 kada kilowatt-hour (kWh).

“Kung halimbawa piso ang itataas per kWh, sa 200 kWh na makokonsumo mo, pumapatak na P200 ang itataas ng iyong bill. Maaaring may iba pang tumaas na component dahil may iba pang serbisyo na ginagamitan din ng generation tulad ng ancillaries, pero maliit na bahagi yan at sa kabuuan asahan natin na magkakaroon ng pagtaas.Ang makokontrol natin ay yung konsumo natin,” pahayag ni  Juan.

PRICE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with