^

Police Metro

P15 taas sa diesel; P12 sa gasoline

Mer Layson - Pang-masa
P15 taas sa diesel; P12 sa gasoline
Motorists gas up at a station in Tondo, Manila.
The Philippine STAR / Ryan Baldemor

Panibagong oil price hike sa susunod na linggo

MANILA, Philippines — Dahil umano sa luma­lalang tensiyon sa Gitnang Silangan ay posible uma­nong umabot ng hanggang P15 kada litro ang itataas ng presyo ng diesel habang P12 naman kada litro­ sa gasoline sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang oil industry sources, base sa fuel prices sa global market sa nakalipas na dalawang araw, ang presyo ng diesel ay maa­aring umakyat pa ng mula P13 hanggang P15 kada litro habang mula P10 hanggang P12 naman ang itataas ng presyo ng gasolina kada litro. Ang kerosone ay tinataya namang tataas din ng hanggang P6.

Gayunman, maaari pa umanong magbago ang na­turang presyo, depende sa market price sa mga susunod na araw.

Una nang lumobo ang presyo ng mga produktong petrolyo nitong linggong na ipinatupad lamang ng staggered o utay-utay ng mga kumpanya ng langis upang hindi biglaang maramdaman ng publiko.

Sinabi rin ng Department of Energy (DOE) na inaasahan na nila ang panibagong big time oil price hike sa susunod na linggo ngunit hindi pa makapagbigay ng pinal na pagtaya dito.

PRICE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with