^

Police Metro

Unang repatriation flight mula Dubai dumating na sa ‘Pinas 

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakabalik na bansa ang mga Filipino na mula sa Dubai kahapon ng umaga.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, na ang 299 repatriates ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, bandang alas-6:45 ng umaga sakay ng Emirates EK366 mula Dubai.

Ayon pa kay Gomez, kabilang sa mga repatriated Filipinos ay humiling na mapabalik dito sa bansa dahil apektado sila ng tumitinding digmaan sa Middle East.

Umalis aniya sa Dubai ang naturang fligh dakong alas-9:55 ng gabi oras dito sa Pilipinas kung saan sakay rin ang overseas workers, tourists at iba pang travellers na pansamantalang na stranded dahil sa sitwasyong pang seguridad.

Pinangunahan naman ni Department of Migratn Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac at iba pang government officials ang pagsalubong sa may 299 repatriates na kinabibilangan ng mga sanggol at bata.

Nauna nang tiniyak ng pamahalaan sa publiko na mayroong contingency measures para tulungan ang ating mga kababayan sa ibang bansa sa sandaling lumala ang gulo sa pagitan ng US-Israel at iba pang bansa sa Gitnang Silangan.

DAVE GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with