SoKor president bibisita sa ‘Pinas
MANILA, Philippines — Bibisita sa Pilipinas si South Korean President Lee Jae Myung sa Marso 3 at 4.
Ito ang inanunsiyo ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro bilang tugon sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Anya,ito ang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas ni President Lee, at kauna-unahang state visit nito matapos maging epektibo ang free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at South Korea na napagtibay noong December 31, 2024.
Kasama ni President Lee sa kanyang state visit ang kanyang kabiyak na si First Lady Kim Hea Kyung.
Ang pagbisita ni President Lee sa Pilipinas ay kasabay ng ika-77 pagkakatatag ng diplomatic relations ng Pilipinas at South Korea noong March 1949.
Inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting sa pagitan ng Pangulo at ni President Lee para talakayin ang iba’t ibang kooperasyon kabilang na dito ang may kinalaman sa depensa, maritime economic and development fields at people-to-people ties.
- Latest
















