^

Police Metro

2 Coast Guard todas sa ambush

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa
2 Coast Guard todas sa ambush
Ang sasakyang ginamit ng tatlong Philippine Coast Guard na magkakasama papunta sana sa kanilang station sa Cotabato City, nang tambangan sila ng mga armadong kalalakihan.
John Unson

MANILA, Philippines — Namatay ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa naganap na ambush sa Brgy.Poblacion 6, Cotabato City nitong Huwebes ng tanghali.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina SN2 Reniel Agpalo, taga-Nueva Ecija na nagtamo nang tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo at ASN Luther Jhon Vitor ng Butuan City na nagawa pang maisugod sa Cotabato Regional and Medical Center, pero binawian nang buhay matapos ang ilang sandali.

Suwerte namang nakaligtas sa insidente ang kanilang station Commander na si Lt. Commander John Paul Cabarrubis na nagawang makalabas ng behikulo sa unang bugso pa lamang ng pamamaril ng mga suspect.

Sa ulat ng Cotabato City Police, alas-12:28 ng tanghali ay sakay ang mga biktima ng isang kulay maroon na Toyota Innova patungo sa PCG Cotabato City Station nang tambangan ng mga suspect na lulan ng isang kulay itim na Honda XRM pagsapit sa Roman Vilo Street, Poblacion 6 ng lungsod.

Matapos ang pamamamaril sa mga biktima ay mabilis nagsitakas ang mga suspect na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.

Kasalukuyan sinisilip ng pulisya ang posibilidad na personal na alitan sa trabaho ang motibo ng krimen.

Patuloy na sinusuri ang CCTV footage sa pinangyarihan ng krimen upang makatulong sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

AMBUSH

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with