^

Police Metro

Pulis-Maynila na may kasong rape, sumuko

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Manila Police District (MPD) na inireklamo ng rape ng babaeng nawalan ng malay sa inuman at dinala sa isang hotel sa Sampaloc, Maynila ang sumuko nitong Miyerkules sa National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR).

Ayon sa NBI ginawa ang pagsuko ni Patrolman Joshua Semilla Mendoza matapos maglabas ang Manila Regional Trial Court Branch 52 ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Article 266-A, Paragraph 1(b) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng R.A. No. 8353 (rape).

Nag-ugat sa isang reklamong isinampa ng isang alyas “Anna” hinggil sa ginawa ng pulis simula nang siya ay mawalan ng malay sa isang bar sa Quezon City, kung saan sila uminom para pag-usapan kung paano tutulungan na makakasunod ang nakaalitang mister.

Sa alegasyon, nawalan siya ng malay sa hinalang may inilagay sa kanyang inumin at nagising na lang na nasa loob na siya ng motel kung saan naganap ang sexual assault.

Ang suspek matapos ang insidente ay hindi na nagpakita at idineklarang AWOL sa MPD.

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with