^

Police Metro

Barzaga kinasuhan ni Puno ng cyberlibel

Joy Cantos, Ludy ­Bermudo - Pang-masa
Barzaga kinasuhan ni Puno ng cyberlibel
Cavite 4th District Rep. Francisco Barzaga.
Photo from his Facebook page shows Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga

MANILA, Philippines — Naghain ng kasong cyberlibel si House Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno laban kay Dasmariñas City Rep. Francisco “Kiko” Barzaga kaugnay ng post nito sa Facebook na tumanggap ng suhol ang mga miyembro ng National Unity Party (NUP) mula sa negosyanteng si Enrique Razon para suportahan ang speakership ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez noong 2025.

Sa kaniyang reklamo sinabi ni Puno na nakagawa ng seryosong krimen si Barzaga sa pagpoposte nito ng malisyoso at mapanirang impormasyon sa kaniyang Facebook account na may 1.9 milyong followers.

Si Barzaga ay una nang pinatawan ng Kamara ng pagkakasuspinde ng 60 araw noong Disyembre 1, 2025 matapos ang naging pagdinig ng House Ethics Committee na napatunayan itong guilty sa pagpapakalat umano nito ng fake news, malisyosong mga pahayag sa Facebook at maging ng mga babaeng malalaswa ang kasuotan na sinusuksukan sa bikini ng pera, pagpapakita ng karangyaan at iba pa.

Sa kaniyang complaint affidavit, sinabi ni Puno na ang mapanirang ipinoste ni Barzaga ay pasok sa elemento ng cyberlibel sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act No.10175 na may kaugnayan sa Articles 353 at 355 ng Revised Penal Code na naamyendahan ng Republic Act No.10951.

Samantala, matapos ang halos isang linggo nang sampahan ng P110 milyong lawsuit ng ultra bilyonaryong negosyanteng si Enrique Razon ay humingi na ng public apology dito si” Barzaga.

Inamin ni Barzaga na may galit lamang siya kay ports at casino magnate na si Razon kaya niya ito nagawa kaugnay ng kaniyang ipinoste sa kaniyang Facebook account na nanuhol umano ang negosyante sa mga mambabatas ng National Unity Party (NUP).

FRANCISCO “KIKO” BARZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with