^

Police Metro

Mister todas sa lingkis ng sawa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki nang siya ay tuklawin at lingkisin ng isang 11.5 talampakang sawa sa isang dike sa Iloilo City nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala lamang ang biktima sa pangalang Julius, residente sa Brgy.Bolilao, Mandurriao District ng nasabing lungsod.

Kuwento ng mga re­sidente, nagising umano sila bandang alas-4:30 ng madaling araw dahil sa isang malakas na pagbagsak at nakita nilang nakapulupot na ang sawa sa biktima.

Nagtulong ang mga residente paluin nang pa­luin ang sawa upang mapalaya ang biktima mula sa pagkakalingkis dito.

Nagawa pang maisugod ng emergency responders ng lungsod ang biktima sa pagamutan pero idineklara na itong dead-on-arrival matapos na hindi makahinga sa pagkakapulupot ng higanteng sawa.

Dahil katabi ng Bolilao Creek ang lugar, sinabi ng mga residente na madalas silang makakita ng mga sawa tuwing high tide.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang indibidwal na napatay sa naturang insidente.

ILOILO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with