^

Police Metro

4 patay sa 30-oras na Traslacion!

Ludy Bermudo, Angie dela Cruz - Pang-masa
4 patay sa 30-oras na Traslacion!
Catholic devotees join along with the carriage carrying the image of Jesus Nazareno, also known as Jesus the Nazarene, during the annual religious procession in Manila on January 9, 2026.
AFP / Jam Sta Rosa

9.6 milyong katao umahok

MANILA, Philippines — Apat ang patay sa kasagsagan ng Traslacion 2026 na inabot ng mahigit 30 oras bago tuluyang nakabalik ang imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Minor Basilica sa Quiapo, Maynila kahapon.

Sa press conference,  sinabi ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo church na tatlong deboto ang kumpirmadong patay sa  Traslacion, habang isa ring photojournalist na si Itoh Son ang nasawi habang nagko-kober ng kaganapan sa Quirino Grandstand.

 “We already have the number of casualties reported to us from the time that the andas arrived at Quiapo Church. We have a total of four casualties,” ani Father Robert Arellano, tagapagsalita ng Nazareno 2026. Maging ang NationalCapital Region Police Office (NCRPO) ay naitala na apat ang patay sa kapistahan ng Nazareno.

Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Anthony Aberin, batay ito sa ini­s­yal na ulat na naipadala sa kanyang tanggapan.

Nabatid na umabot ng mahigit 30 oras at 50 minuto ang itinagal ng prusisyon na naitalang pinakamahabang oras sa kasaysayan sa Kapistahan ng Itim na Nazareno, ayon sa pamunuan ng  Minor Basilica of the Black Nazarene.

Alas-4:00 ng mada­ling araw nang tumulak mula sa Quirino Grandstand ang prusisyon, na sinasabing pinakamaaga din kumpara sa mga naunang Traslacion.

Sa inilabas na datos ng Quiapo Church, umabot sa 9.6 milyon sa kabuuan ang mga debotong sumali sa tradisyunal na Traslacion ngayong 2026, mas mataas sa 8.1 milyon noong 2025, na nagtagal ang prusisyon ng 20 oras at 45 minuto.

Ayon naman kay Dr. Cynthia Versoza, chairperson ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) Emergency Medicine Complex, ang tatlo na nasawi ay kabilang sa 23 pasyente na dinala sa kanila. Dead-on-arrival ang dalawa na kapwa nag-collapse at isa ay na-revive pa sa ospital subalit hindi nagtagal ay binawian din ng buhay, na atake rin sa puso ang dahilan.

Umabot naman sa libong deboto ang binigyan ng medical attention sa site simula Enero 8 hanggang alas-7:30 ng umaga ng Enero 10. 

TRASLACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with