Hepe ng CIIS Port Manila, sinibak
MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Port of Manila (PoM) dahil sa alegasyon ng iregularidad.
Inalis muna sa puwesto si Intelligence Officer III Paul Oliver Pacunayen, pinuno ng CIIS Field Station-PoM habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Nabatid na si Pacunayen ay isa nabanggit sa ipinadalang liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga concerned officials, employees at stakeholders ng BOC hinggil sa umano ay paglaganap ng smuggling activities sa mga pantalan.
Nasambit din sa liham si CIIS Director Thomas Narcise, dating miyembro ng Task Force Aduana.Pero si Narcise ay isang presidential appointee ayon kay Nepomuceno.
Iniutos na ni Nepomuceno ang pagkakasa ng internal investigation sa napaulat na alegasyon at ang pagkakasangkot umano ng mga opisyal.
- Latest















