MMDA traffic enforcers didisiplinahin ni Torre
MANILA, Philippines — Sa pag-upo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Gen.Manager Nicolas Torre III ay bibigyang-prayoridad nito ang disiplina ng mga traffic enforcer at susuriin ang traffic management sa mga lugar tulad ng Marcos Highway at Commonwealth.
Ito ang sinabi kahapon ni MMDA Chairman Romando Artes na kung saan ay hahawakan ni Torre ang nasa 70% hanggang 80% ng operasyon ng ahensya at magsisilbi ring tagapagsalita ng MMDA.
“Basically nag-usap na kami kasama ‘yung top management ng MMDA at lahat ng operation matters na may kinalaman sa ahensya, which is I think 70% to 80% ng trabaho ng MMDA will be under him directly,” wika ni Artes.
Dating nagsilbing hepe ng Philippine National Police si Torre ngunit inalis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at noong nakaraang linggo ay nanumpa bilang general manager ng MMDA kapalit ni Procopio Lipana.
- Latest
















