Dashcam footage ni Cabral, ibahagi – NBI
Sa mga motoristang dumaan sa Kennon Rd.
MANILA, Philippines — Nanawagan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga motoristang dumaan sa Kennon Road sa Tuba, Benguet na ibahagi sa kanilang tanggapan ang dashcam footage sa mga oras na sinasabing huling nakitang buhay si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Catalina Cabral.
Ang apela ay ginawa ng NBI nitong Sabado, Disyembre 20, na inaasahang makakatulong sa imbestigasyon upang magbigay linaw sa isyu ng pagkamatay ni Cabral.
Hinikayat ng NBI ang lahat ng motorista na dumaan noong Huwebes, Dis. 18, sa pagitan ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi na ibahagi ang video na kuha ng dashcam sa lugar ng Sitio Maramal Camp 5, Barangay 4, sa Tuba.
Sa mga boluntaryong makikipag
Dashcam footage ni Cabral, ibahagi – NBI
-Ludy Bermudo Joy Cantos
Sa mga motoristang dumaan sa Kennon Rd.
MANILA, Philippines — Nanawagan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga motoristang dumaan sa Kennon Road sa Tuba, Benguet na ibahagi sa kanilang tanggapan ang dashcam footage sa mga oras na sinasabing huling nakitang buhay si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Catalina Cabral.
Ang apela ay ginawa ng NBI nitong Sabado, Disyembre 20, na inaasahang makakatulong sa imbestigasyon upang magbigay linaw sa isyu ng pagkamatay ni Cabral.
Hinikayat ng NBI ang lahat ng motorista na dumaan noong Huwebes, Dis. 18, sa pagitan ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi na ibahagi ang video na kuha ng dashcam sa lugar ng Sitio Maramal Camp 5, Barangay 4, sa Tuba.
Sa mga boluntaryong makikipagtulungan, maaring kontakin ang cellphone number 09089780135 o mag- email sa [email protected]. Tiniyak ng NBI na anumang impormasyon ay ipatutupad ang “strict confidentiality” at gagamitin lamang sa imbestigasyon.
Samantala, isinailalim na nitong Sabado sa awtopsiya ang labi ni Cabral.
Ayon kay Benguet Police Chief P/ Col. Lambert Suerte, dakong alas-12:02 a.m hanggang alas-3:45 a.m. isinailalim sa awtopsiya ang labi ni Cabral matapos namang pumayag na ang kaniyang pamilya para sa nasabing proseso.
tulungan, maaring kontakin ang cellphone number 09089780135 o mag- email sa [email protected]. Tiniyak ng NBI na anumang impormasyon ay ipatutupad ang “strict confidentiality” at gagamitin lamang sa imbestigasyon.
Samantala, isinailalim na nitong Sabado sa awtopsiya ang labi ni Cabral.
Ayon kay Benguet Police Chief P/ Col. Lambert Suerte, dakong alas-12:02 a.m hanggang alas-3:45 a.m. isinailalim sa awtopsiya ang labi ni Cabral matapos namang pumayag na ang kaniyang pamilya para sa nasabing proseso. -Ludy Bermudo
- Latest

















