^

Police Metro

P14.9 milyong ‘kush’ nasabat sa NAIA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasa P14.9 milyon halaga ng pinaghihinalaang marijuana “kush” nitong nakaraang linggo, ayon sa ulat ng Philippine National Police-Aviation Security Group.

Batay sa ulat na ang kontrabando ay nadiskubre nitong Biyernes na makita na walang kumukuha ng berdeng luggage sa arrival area.

Nagsagawa ng pag-traced ang mga otoridad at dito ay pag-aari ng isang babaeng dayuhan na galing sa Bangkok at naka-skedyul sa connecting flight sa Macau.

Isinailalim ng Bureau of Customs (BoC) operator sa X-ray screening at may nakita na kahina-hinalang laman sa loob at ipinaamoy sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 team at nakumpirma na may laman na illegal na substance ang nasa 18 pouches na may timbang na 9.94 kilograms pinaghihinalaang kush.

Hindi naman naaresto ng mga otoridad ang ­babaeng pasahero na nakasakay na sa eroplano patungong ­Macau, alas-7:16 ng gabi. Ibinigay na sa kustodiya ng PDEA ang mga nasamsam na kush.

KUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with