Enrile pumanaw na sa edad 101

MANILA, Philippines — Pumanaw na kahapon si dating Senate President at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa edad na 101.
Batay sa facebook post ng anak ni Enrile na si Katrina Ponce Enrile, sinabi nito dakong alas-4:21 ng hapon, Nobyembre 13, 2025 nang pumanaw ang kanyang ama sa kanilang bahay.
“It was his heartfelt wish to take his final rest at home, with his family by his side. We were blessed to honor that wish and to be with him in those sacred final moment “, pahayag pa ni Katrina Enrile.
Isinasapinal pa rin aniya ang mga detalye tungkol sa public viewing at kanila itong iaanunsyo sa publiko para sa lahat ng mga nagnanais na magbigay galang sa yumao.
Si Enrile ay ipinanganak noong Pebrero 14,1924 at kilala bilang JPE na isang abogado at nagsilbi bilang ika-21 Presidente ng Senado mula 2008-2013.
Siya rin ang isa sa naging daan para magkaroon ng 1986 People Power Revolution laban sa ama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
- Latest

















