^

Police Metro

PNP, Oplan Ligtas Undas 2025 mapayapa

Ludy Bermudo - Pang-masa
PNP, Oplan Ligtas Undas 2025 mapayapa
Thousands flocked to Aglipay Public Cemetery in Barangay Concepcion Uno, Marikina City on Saturday to pay their respects to departed loved ones as part of the observance of Undas.
Photos by Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Naging mapayapa, maayos, at ligtas ang paggunita ng Undas 2025 sa buong bansa, matapos ang matagumpay na pagpapatupad ng Oplan Ligtas Undas 2025 ng Philippine National Police (PNP).

Sa pamumuno ni acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., maagang isinagawa ang mga paghahanda upang tiyakin ang seguridad ng mga biyahero at ang kaayusan sa mga sementeryo, terminal, at lansangan.

Naging elemento sa tagumpay ang malawakang deployment ng mga pulis sa buong bansa, maayos na koordinasyon sa local government units (LGUs) at transport agencies, civic groups at kooperasyon ng publiko sa mga pinaiiral na alituntunin.

Ayon sa PNP Public Information Office, nanatiling aktibo at bukas ang mga police assistance desk sa mga sementeryo, terminal, at matataong lugar sa buong bansa, na wala namang naitalang malalaking untoward incidents.

Patuloy din na magbabantay ang PNP sa mga terminal, lansangan, at komunidad sa inaasahang pagdagsa muli sa mga terminal at lansangan ng mga nagsisibalikang pasahero sa Metro Manila mula sa mga lalawigan.

PNP

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with