Para iwas road rage manatiling kalmado - DOH

Sa mga biyahero ngayong Undas…
MANILA, Philippines — Para maiwasan ang road rage at mga aksidenteng posibleng magdulot ng pinsala ay nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga biyahero ngayong Undas na maging mahinahon at disiplinado sa kalsada.
Ito ang naging paalala ni DOH Secretary Ted Herbosa nitong Biyernes sa mga motorista na huwag magmadali at matutong magbigay-daan dahil inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Nagpaalala rin siya na huwag kalimutang dalhin ang mga kinakailangang gamot para sa kanilang kalusugan, tulad ng mga maintenance medicine ng mga may altapresyon at diabetes.
“Very important, dalhin niyo ang mga gamot niyo pero iwan niyo na ang init ng ulo sa bahay. ‘Pag kayo’y nagmamaneho, sigurado ‘yun may traffic kasi lahat gusto makauwi,” ani Herbosa.
Maaari naman umanong mag-avail ng zero-balance billing sa mga basic accommodation hospital ang mga maaaksidente o masasangkot sa insidente sa kalsada.
Itinaas na rin ng DOH ang “code white alert” sa central office at mga regional health center nito.
- Latest




















