^

Police Metro

Bulkang Taal, 3 beses nagbuga ng abo

Doris Franche-Borja, Joy Cantos - Pang-masa
Bulkang Taal, 3 beses nagbuga ng abo
The Taal Volcano during a minor phreatic eruption on Feb. 16, 2025, as recorded by the agency's IP camera in Brgy. Buco, Talisay and Brgy. Barigon, Agoncillo, Batangas.
Screenshot from PHIVOLCS' Facebook post.

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Teresito Bacolcol na tatlong beses nagbuga ng abo ang Taal Volcano kahapon ng umaga na ang pinakahuling naitala ang dalawang minutong phreatomagmatic eruption, alas-8:12 hanggang alas-8:14 ng umaga.

Ang pagputok ay lumikha ng plumes na umabot sa 2,000 metro ang taas mula sa crater ng bulkan.

Una rito, naitala kahapon ng alas-2:00 ng madaling araw ang isang phreatic eruption, na sinundan ng isa pang phreatomagmatic eruption, alas-2:55 hanggang alas-2:56 ng madaling araw.

Bahagi pa rin ito ng mga aktibidad ng bulkan, na kasalukuyang nasa Alert Level 1 ang status.

Sabado ng hapon, nang magkaroon ng minor phreatomagmatic eruption ang Taal Volcano, na lumikha ng plume na umabot sa 900 metro ang taas mula sa crater.

Ayon naman sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Talisay, Batangas, patuloy ang kanilang pagsubaybay sa kondisyon ng Bulkang Taal sa pamamagitan ng mga CCTV live feed, opisyal na bulletins ng PHIVOLCS, at air quality monitoring upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

BULKANG TAAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with