^

Police Metro

Libreng kabaong, serbisyong libing ganap nang batas

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ganap nang batas ang panukalang nagbibigay ng libreng serbisyo sa libing para sa mahihirap na pamilyang Pilipino matapos itong mapasabatas kahit na hindi nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang bagong batas, Republic Act No. 12309 o “Free Funeral Services Act,” ay otomatikong ­naging epektibo noong Setyembre 28, makalipas ang 30-araw mula nang maisumite ito ng Kongreso sa Malacañang, alinsunod sa Article VI, Section 27(1) ng 1987 Constitution.

Para maka-avail ng libreng funeral services, kaila­ngang isumite ng mga pamilya ang mga sumusunod na kinakailangan: Valid ID ng claimant o beneficiary; Sertipiko ng kamatayan na inisyu ng ospital, municipal health office, ng sertipikasyon mula sa tribal chieftain; kontrata sa libing na pinirmahan ng kinatawan ng pamilya ng namatay, ng mga tauhan ng punerarya, at mga otorisadong tauhan ng DSWD; at Social case study mula sa isang social worker. Ang budget para sa libreng funeral services na ito ay sisingilin sa budget ng DSWD.

CASKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with