Mas maraming Pinoy ‘stress’ sa pera - survey

MANILA, Philippines — Sa inilabas na latest survey ng Social Weather Station (SWS) ay mas maraming Pinoy sa ngayon ang nakakaranas ng stress dahil sa problema sa pera.
Batay sa survey na isinagawa nitong September 24 hanggang September 30, lumabas na nasa 34 percent ng mga Pinoy ang stress, mas mataas ito sa 27 percent ng noong December 2019.
Lumabas na ang numero unong ugat ng stress ng nakararaming Pinoy o nasa 53 percent ay dumadanas ng problema sa pera, ikalawa ay stress sa kalusugan na may 42 percent; 39 percent ay stress dahil sa trabaho at eskuwelahan; at 38 percent ng mga stress ay dahil sa pamilya.
Marami ang mga kababaihang na stress na nasa 41 percent at nasa 27 percent naman ang mga stress na lalaki.
Lumabas din sa survey na nasa 32 percent naman ng mga Pinoy ay minsan lang ma stress, 30 percent madalang ma-stress at 4 percent ay hindi umano stress.
Ang survey ay ginawa sa face to face interview sa 1,500 respondents at may +-3 margin of error sa national percentage.
- Latest


















