^

Police Metro

Flashflood: 4 patay, 3 nawawala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masayang? paliligo ng isang pamilya matapos tanga?in ng rumagasang baha sa Mini Asik-Asik Falls na kanugnog ng Talomo River sa Brgy. Carmen,Baguio District noong Linggo na ikinasawi ng apat katao at pagkawala ng tatlong iba pa.

Sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kabilang sa mga nasawi ay isang 47-anyos na lalaki, isang 12-anyos batang babae, isang 11-anyos na batang lalaki at isang 29-anyos na babae; pawang taga Davao City.

Ayon kay CDRRMO Chief Alfredo Baloran,alas-3:20 ng hapon noong Lunes nang ipahinto na muna ang retrieval operations dahilan sa masamang lagay ng panahon kung saan narekober ang bangkay ng mga biktima.

Nabatid na dalawang grupo ng mga magkakaibigan at magkakapamilya ang nagtungo sa nasabing talon para mag-swimming ng biglang tumaas ang tubig baha at tangayin ang mga ito.

Ang flashflood ay dahilan sa masamang lagay ng panahon kung saan naranasan ang malalakas na pag-ulan at thunderstorm sa lugar.

Nagbabala naman si Baloran sa mga netizens na iwasan na muna ang magtungo sa nasabing ?alon lalo na at masungit ang panaho.Patuloy naman ang search operations sa mga nawawala pang biktima.

FLASHFLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with