^

Police Metro

Buhawi nanalasa: Magtiyahin patay

Jorge Hallare, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang magtiyahin ang nasawi nang madaganan ng puno habang dalawa pa ang nasugatan nang manalasa ang isang buhawi sa isang komunidad sa Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte nitong Linggo ng umaga.

Sa report ni Santiago Mella Jr., Chief ng Daet Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kabilang sa mga nasawi ay isang 37-anyos na ginang at 13-anyos pamangking lalaki.

Nabatid na bandang alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente at sa lakas ng buhawi isang malaking puno ang nabuwal at direktang dumagan sa mga biktima na inabutan ng pananalasa sa labas ng bahay.

Dalawa ring babae ang nasugatan sa insidente matapos na ilipad ng buhawi ang kanilang tahanan sa kanugnog o katabing Barangay Bibirao ng nasabi ring bayan.

Naitala sa 38 pamilya ang naapektuhan sa paghagupit ng buhawi sa naturang komunidad.

Iniulat din na ilang kalsada kabilang sa Brgy. Lag-on at Mancruz ay hindi pa madaanan dahilan sa naghambalang na mga nabuwal na punong kahoy at mga poste ng kuryente.

CAMARINES NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with