^

Police Metro

Jinggoy hinamon mag-resign ng ex-matinee idol

Joy Cantos - Pang-masa
Jinggoy hinamon mag-resign ng ex-matinee idol
Senador Jinggoy Estrada.
Senate of the Philippines Facebook page

Sikreto sa ‘double life’ ibubulgar

MANILA, Philippines — Resign now!

Ito ang mariing banta ng dating matinee idol at director Robby Tarroza laban kay Senador Jinggoy Estrada na kung hindi umano nito gagawin ay ibubulgar niya ang sikreto nito sa “double life”.

Sa kaniyang facebook page, sinabi ni Tarroza na hindi siya mangingimi na ibuking sa buong mundo ang sikreto ni Estrada dahilan alam umano niya ang itinatagong baho ng Senador.

“Jinggoy, resign now!!! Kundi I will be forced to tell the country about your double life!!! You are one of the reasons why we broke up. I have ALL the receipts dear. Try me! You’re just the same as my EX..., PIG!!”, ani Tarroza sa kaniyang facebook page.

Ginawa ni Tarroza ang kaniyang banta kay Jinggoy matapos namang malantad sa imbestigasyon ng House Infrastructure Committee na pinamumunuan ni Bicol Saro Partylist Terry Ridon ang umano’y pagkakadawit nito sa ibinuhos na P355-milyong ghost flood control projects sa Bulacan kung saan ay nakinabang ang Senador umano ng 30% kickbacks.

Una nang ibinulgar nina DPWH Engineers Brice Hernandez at JP Mendoza ang nasabing anomalya kung saan ay ipinakita pa nila ang larawan ng limpak limpak na salapi at maging ang pagdalo ng kanilang Boss na si Henry Alcantara sa birthday ni Estrada sa Solaire na umano’y patunay na sobrang malapit sa isa’t-isa ang dalawa.

Sinabi ni Tarroza na ibubunyag niya sa publiko ang pribadong buhay ni ­Senator Estrada at ang ginawang umano’y pananabotahe sa kaniyang relasyon sa kaniyang dating kasamahan sa “That’s Entertainment Alumni na si Joed Serrano.

“Eto na po mga death threats na! I do not care! I will continue to speak the TRUTH! BAKLA AT SINUNGALING KA,” FB post ni Tarroza.

Ang paglutang ni Tarroza ay nakadagdag sa kinakaharap na kontrobersya ni Estrada sa maanomalyang flood control projects.

ROBBY TARROZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with