7 pulis-Maynila, sinibak sa robbery/kotong
MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pitong pulis na inireklamo ng pangongotong, ‘pagtatanim’ ng shabu at illegal detention ng isang delivery rider na inaresto nila sa Sampaloc, Maynila nitong Setyembre 9.
Agad na sampahan ng kaso ang mga pulis na kinabibilangan ng isang police major, dalawang master sergeants, dalawang staff sergeants, corporal at isang patrolman pawang nakatalaga sa District Drug Enforcement Group na nahaharap sa kasong administratibo kabilang ang grave misconduct, grave irregularity in the performance of duty, at conduct unbecoming of a police officer.
Sa reklamo ng isang alyas “Chester”, na dinampot siya at kaibigang rider noong September 9, alas-3:00 ng hapon habang nakatambay sa Sampaloc, Maynila.
Isinakay sila sa itim na Expander at pinaikot-ikot sila sa iba’t ibang lugar sa Rizal na kung saan sila ay sinaktan, tinakot at pinagbantaan na isa-salvage, at kinuha pa ang kanyang singsing at P9,000 laman ng kanyang GCash.
Nang makabalik sa Maynila ay nagawa niyang makatakas ngunit naiwan ang kanyang kasamahan na ngayo’y nakakulong.
- Latest
















