^

Police Metro

12 Pasay police sinibak, kinasuhan

Ludy Bermudo - Pang-masa

Lalaking inaresto namatay sa ‘suffocation’

MANILA, Philippines — Labindalawang pulis ang sinibak sa puwesto at kinasuhan kaugnay ng isang insidente na nagresulta sa pagkasawi ng isang lalaki na kanilang inaresto sa isang convenience store sa Pasay City.

Ayon sa Pasay City Police Station, kabilang sa mga inalis sa puwesto ang anim mula Substation 5, lima mula Southern Police District Mobile Force Battalion (SPD MFB), at isa mula NCRPO Mobile Force Battalion (NCRPO MFB) at inilipat sa kani-kanilang Administrative Holding Unit habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sinampahan na ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang lahat ng sangkot sa Pasay City Prosecutor’s Office. Bukod dito, dalawang tauhan ng SPD MFB ang nahaharap din sa kasong Maltreatment of a Prisoner.

Batay sa ulat, inaresto ang 29-anyos na suspek noong Agosto 5 matapos magwala sa isang ­convenience store sa ­Barangay 75, Zone 10 sa Pasay.

Ang lalaking suspek ay pumasok sa stockroom ng convenience store at sa pagresponde umano ng mga pulis ay dinaganan siya at parang sinuntok sa likod, batay sa CCTV.

Nang bitbitin sa Substation 5, ay nagreklamo na ng hirap sa paghinga kaya isinugod sa Pasay City General Hospital kung saan siya idineklarang patay.

Batay naman sa medicolegal report na ginawa ng Pampanga Provincial Forensic Unit, “asphyxia by manual strangulation” ang sanhi ng pagkamatay.

 Giit ng Pasay Police, hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng pang-aabuso o maling gawain sa kanilang hanay at tiniyak na magiging patas ang imbestigasyon at pananagutin ang sinumang mapapatunayang responsable.

SUSPENSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with