^

Police Metro

Paslit patay, magulang kritikal sa road crash

Cristina Timbang - Pang-masa
Paslit patay, magulang kritikal sa road crash
Kinilala ng pulisya ang namatay na biktima na si Sophia Blythe P. Cleofe, residente ng Brgy. Mabuhay, Carmona City, Cavite.
Illustrate by John Villamayor

MANILA, Philippines — Isang 6-anyos na batang babae ang nasawi habang kritikal ang mga magulang nito makaraang masagi ang kanilang motorsiklo at tuluyan silang masagasaan ng isang truck habang kapwa bumabaybay sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang namatay na biktima na si Sophia Blythe P. Cleofe, residente ng Brgy. Mabuhay, Carmona City, Cavite.

Habang kapwa kritikal naman sa pagamutan ang ama at ina nito na kinilalang sina alyas “Airalyn”, 24, driver ng motor at ang ama na si alyas “Joniel”.

Sa ulat ng pulisya, bago maganap ang aksidente, alas-9:25 ng gabi ay minamaneho ni Airalyn ang motor at angkas ang mag-ama na bumabagtas sa nasabing lugar

Nasa shoulder lane umano ang mga biktima habang kasabayan ang Sino truck (GAS 5148) na minamaneho ni alyas “Ronie”, 32, residente ng Sapang Palay, San Jose Del Monte, Bulacan.

Bigla na lamang umanong kumabig patungo sa lane ng mga biktima ang nasabing track dahilan upang masagi nito ang motor ng mga biktima at tulu­yang sumemplang.

Sa kasamaang palad ay nasagasaan pa nito ang mga biktima kung saan napuruhan ang anak ng mga ito na agad namatay sa insidente habang ang mga magulang ay malubhang nasugatan.

CARMONA CITY

CAVITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with