2 babae sinalvage sa kanal
MANILA, Philippines — Dalawang bangkay ng babae na pinaniniwalaang biktima ng ‘salvage’ ang natagpuan sa isang kanal sa Brgy. Salaza, Palauig, Zambales, kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima sa mga alyas na Lengleng, ng Tarlac at Khang, 24 ng Brgy. Taltal, Masinloc, Zambales.
Ayon sa pulisya ng isang residente sa lugar ay nakarinig ng putok ng mga baril at kasunod ay humahagibis na sasakyan.
Nang puntahan kinaumagahan ang lugar ay nakita ang dalawang bangkay ng babae na ang isa ay may tama ng bala sa ulo at isa naman ay may tatlong tama ng bala sa likod.
Narekober ng pulisya ang limang basyo ng cal. 45 pistol at 15 sachet na hinihinalang pinaglagyan ng shabu at mga personal na kagamitan ng mga biktima.
- Latest

















