5 Vietnamese, arestado sa ilegal na ‘beauty procedures’

MANILA, Philippines — Limang Vietnamese na nagsasagawa umano ng cosmetic procedures ng walang lisensiya sa Makati City ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation noong Agosto 7.
Sa isang kalatas kahapon, sinabi ng NBI na kabilang sa mga inaalok na cosmetic procedures ng mga dayuhan sa social media ay brow lifts, lip surgery, fox eye surgery, under-eye fillers, thread lifts, at upper eyelid surgery.
Kaagad naman silang inaresto ng NBI matapos na makumpirma sa surveillance operation na hindi awtorisado ang mga procedures na isinasagawa nito at walang lisensiya mula sa Professional Regulation Commission (PRC).
Nakumpiska sa mga suspek ang medical tools at iba pang kagamitan na ginagamit nila sa kanilang ilegal na operasyon.
Naisailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek sa paglabag sa Medical Act of 1959, in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012; Food and Drug Administration Act; at Philippine Pharmacy Act.
- Latest















