3 Grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

MANILA, Philippines — Kapwa inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 student kabilang ang isang kambal matapos na mabagsakan ng debris ng isang gusali sa Quezon City, kahapon.
Batay sa initial report ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10 nangyari ang insidente bandang alas-4:40 ng hapon sa harap ng Atherton Place Condominium Building sa panulukan ng Tomas Moratos at Roces Ave sa Roces Brgy. Laging Handa
Naglalakad umano ang mga biktimang estudyante nang mabagsakan ng debris mula sa ikaapat na palapag ng nabanggit na condominium.
Ayon sa mga saksi, nagulat na lamang sila nang marinig ang malakas na dagundong.
Napag-alaman na bumagsak ang palitada mula sa mataas na palapag ng nasabing gusali.
Agad naman isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang tatlong estudyante.
- Latest
















