^

Police Metro

4 katao sugatan sa pagsabog sa Tondo

Mer Layson - Pang-masa
4 katao sugatan sa pagsabog sa Tondo
Sinisiyasat ng mga tauhan ng MPD Explosives and Ordnance Division (EOD) ang lugar kung saan naganap ang isang malakas na pagsabog kahapon sa kanto ng Tayuman at Dagupan Sts., sa Tondo, Maynila na ikinasugat ng apat mangangalakal.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Apat na manga­ngalakal ang malubhang nasugatan sa naganap na pagsabog sa kanto ng ­Dagupan at Tayuman Sts., sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Inilarawan ng isang medic na rumesponde na ang isa sa mga biktima ay naputol ang kamay at lumabas na ang buto habang ang isa ay butas ang pisngi at nasugatan ang babang parte ng katawan.

Sa ulat ng District Explosive and Canine Unit (DECU) ng Manila Police District (MPD), alas-2:30 ng hapon nang maganap ang pagsabog sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng Barangay Kagawad na si Nino Cervantes, 45, ng Barangay 54, sa Tondo, sa pulisya, nabatid na nangangalakal ang mga biktima nang maisipan nilang i-dismantle o kalasin ang isang hindi pa batid na bagay, na tila compressor umano ng aircon, sanhi upang sumabog ito.

Dinala na sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktima na umano’y pawang mga may malay.

PAGSABOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with