^

Police Metro

6 Indian nationals, 3 Pinoy dinakip sa carnapping

Ludy Bermudo - Pang-masa
6 Indian nationals, 3 Pinoy dinakip sa carnapping
Iprinisinta kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa media ang naarestong 9 suspects kabilang ang 6 Indian nationals at 3 Pinoy sa kasong carnapping at syndicated estafa.
Noel B. Pabalate

MANILA, Philippines — Siyam katao kabilang ang 6 na Indian ­nationals na pawang sangkot sa carnapping at syndicated estafa sa modus-operandi ang inaresto sa isinagawang entrapment ope­ration sa isang casino sa Parañaque City, noong Martes.

Iniharap kahapon sa pulong balitaan ni NBI spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Batutay”, “Torion”, at “Castulo”, pawang mga Pilipino; at Indian nationals na sina ­Sajjan Sarkar; Sai Charan; Kulvatnh Thati; Gayatri Sarma; Ray Anand; at Nithin Kamepalli.

Nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspek sa reklamo ng biktima nang habulin siya ng bangko sa balanse sa car loan na kaniyang ipinasalo, subalit naibenta ng wala siyang pahintulot.

Hindi na mahulugan ang amortization sa sasakyan sa bangko kaya ­inalok ng biktima sa MCars bilang “pasalo”, na ipinasa naman sa ­suspek na si Batutay.

Ipinasa naman ni Batutay kina Castulo at Sarkar at pagkatapos ay isinangla naman ng mga ito kay Anand.

Hihilahin ng bangko ang sasakyan, subalit bigo ang biktima na mabawi kaya’t ipinatutubos ni Castulo ng P450,000 at kung hindi ay i-chop-chop umano ito.

Idinulog ng biktima sa NBI-National Capital Region na agad nagsagawa ng entrapment, at dala ng biktima sa pakikipagkita sa isang casino ang napagkasunduan na ibaba sa P250,000 noong Hunyo 24, at doon na­lambat ang mga suspek.

ARRESTED

CARNAPPING

SYNDICATED ESTAFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with