Ginang na may depresyon, nilitson ang sarili
MANILA, Philippines — Tinapos ng isang 54-anyos na ginang na umano ay dumaranas ng depresyon ang buhay sa pamamagitan nang paglitson sa sarili sa loob ng isang kubo sa Sitio Salinungan East, Brgy. Villa Gamiao, San Mateo, Isabela.
Ayon sa asawa ng biktima na si Jayson umalis lamang siya sa kanilang kubo sa gitna ng bukid para sana bumili ng kanilang pagkain, subalit pagbalik niya ay wala ng buhay ang kaniyang misis.
Ayon kay Brgy.Chairman Deogracias Cabiles, ang ginang ay dating Barangay Nutrition Scholar ng Barangay Ignacio, subalit unti-unti umanong nagbago ang ugali kaya napilitan ang barangay na palitan ito.
Sa masusing imbestigasyong isinagawa ng mga otoridad, napag-alaman na ang biktima ay dumaranas ng anxiety at sleeping problems at posibleng kumuha ng gasolina mula sa grasscutter at sinilaban ang sarili na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Hindi aniya ito ang unang pagkakataon na sinubukan ng kaniyang misis na kitilin ang sariling buhay dahil noong una ay sinubukan nitong kumain ng pesticide subalit nakarekober.
- Latest




















