Bulkang Kanlaon pumutok

MANILA, Philippines — Pumutok kahapon ng umaga ang bulkang Kanlaon sa Negros Island, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
“ATM: Explosive eruption at Kanlaon Volcano ongoing. Details to be released,” saad sa post ng PHIVOLCS sa Facebook.
Ayon kay Mariton Bornas, pinuno ng PHIVOLCS Volcano Monitoring Eruption Prediction Division, sa isang panayam na naganap ang pagsabog, alas-5:15 ng umaga.
“The eruption is producing a voluminous bent plume approximately 4,000 meters tall that is drifting southwest,” saad sa Facebook post ng ahensya.
Batay kay PHIVOLCS chief Teresito Bacolcol, natapos ang explosive eruption ng bulkan ng alas-6:47 ng umaga.
Sinuspinde ang klase sa ilang lugar dahil sa pagputok ng Kanlaon na kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 3.
- Latest