^

Police Metro

2 babaeng senior patay sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa
2 babaeng senior patay sa ambush
Cotabato City in the southern Philippines is seen in this satellite image rendering.
Google Earth

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang dalawang matandang babae matapos na tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa bayan ng Kapalawan, Cotabato, kahapon ng umaga.

Gayunman, ­kasalukuyan pang ­inaalam ng pulisya ang ­pagkakakilanlan sa dalawang nasawing biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa tala ang bayan ng Kapalawan ay isa sa walong bayan sa Cotabato sa Region 12 na itinatag sa ilalim ng parliyamento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong nakalipas na taon.

Base sa imbestigasyon, kasaluku­yang naglalakad ang dalawang matanda nang paulanan ang mga ito ng bala ng mga armadong kalalakihan na pumosisyon sa magkabilang bahagi ng daraanan ng mga ito.

Sinasabing nagawa pang tumakbo ng isa sa mga biktima, subalit hinabol at niratrat pa ito ng mga suspect na mabilis na nagsitakas sa maghiwahiwalay ng direksiyon.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->