^

Police Metro

Regional Help Desk para sa OFWs, itatag - Ben Tulfo

Pang-masa
Regional Help Desk para sa OFWs, itatag - Ben Tulfo
Binati ni senatorial candidate Ben “BITAG” Tulfo ang mga pamilya ng libu-libong OFWs na may dala-dala pang mga plakard na nagsasaad ng pagsuporta sa kanya sa isang pagtitipon sa Tarlac City nitong Huwebes.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Iginiit ni senatorial candidate Ben “BITAG” Tulfo ang paglalagay ng mga Regional Help Desk sa buong bansa para sa mga gustong maging overseas Filipino workers (OFWs) bilang “pro-active approach” upang maiwasan ang pang-aabuso at pananamantala ng mga recruitment agencies.

Sa kanyang pagharap sa isang pagtitipon kung saan siya ang guest speaker sa Tarlac City, inilatag ni Tulfo ang kaniyang solusyon sa problema laban sa illegal recruitment at human trafficking ng mga dorobong agency at mga recruiter. Dinaluhan ito ng tinatayang 4,500 na pamilya ng mga OFWS, mga returning OFWS (Balik-Manggagawa) at mga gustong magtrabaho sa ibang bansa.

Ang investigative program ni Ben Tulfo na BITAG ay marami nang natulungang aplikante at OFWs na biktima ng illegal recruitment at human trafficking sa pakiki­pagtulungan ng NBI, DOJ-IACAT at NBI-Anti Human Trafficking Division sa kanilang mga rescue operations.

Dagdag ni Tulfo, bago umalis ang gustong maging OFW patungong Maynila, nagagabayan at napag-iingat sila sa pamamagitan ng pagrerehistro muna sa kanilang barangay at lokal na pamahalaan. At alam ang kanilang kinaroroonan at numerong maaaring tawagan.

Sa kanyang mensahe, isiniwalat ni Tulfo ang mga modus operandi ng mga recruiter at ahensya. “Una, magre-recruit sila, pagsasamantalahan ang mga gustong mangibang-bansa under the guise na iti-train kayo. Papatirahin kayo sa bahay nila na para kayong mga sardinas. Wala kayong sweldo, pagtatrabahuhin kayo. ‘Yan ay uring pananamantala,” giit ni Ben Bitag Tulfo.

“Pangalawa, papipirmahin agad kayo ng kontrata nang hindi n’yo nalalaman kung ano ang inyong pinipirmahan. Kaya napakahalaga ng help desk para matulungan kayo bago kayo pumirma,” dagdag pa ng tumatakbong senador.

BITAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with