MANILA, Philippines — Nananatili pa rin sina Sen. Christopher “Bong” Go at ACT-CIS party-List Rep. Erwin Tulfo ang nangungunang kandidato para sa pagka-senador sa May 12 midterm polls, base sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) sa kalagitnaan ng buwan ng Marso.
Sa resulta ng SWS survey na inilabas kahapon, nabatid na nag-tie sina Go at Tulfo sa una at ikalawang puwesto matapos na makakuha ng tig-42% na voter preference.
Habang nasa ikatlo at ikaapat na puwesto naman sina mediaman Ben Tulfo at dating Sen. Tito Sotto na may 34%; pang-lima si Sen. Lito Lapid na may 33% at pang-anim si Sen. Bong Revilla na may 32% voter preference.
Tie naman sa ikapito at ikawalong puwesto sina Sen. Pia Cayetano at dating Sen. Ping Lacson na nakakuha ng 31%; pang-siyam si Sen. Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa, na may 30%; at pang-10 si TV host na si Willie Revillame na may 28%.
Pasok naman sa pang-11 hanggang pang-13 puwesto sina Makati Mayor Abby Binay, dating Sen. Manny Pacquiao, at Camille Villar na may tig-27% na voter preference.