DepEd sa public schools: Political activities, electioneering, bawal sa graduation rites

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaraos ng partisan political activities o electioneering sa pagdaraos ng end-of-school year (EOSY) rites para sa School Year 2024-2025.
Ito ang naging paalala ng Department of Education (DepEd) sa mga public schools sa bansa batay sa Department Memorandum No. 27 s. 2025, na inisyu ni Education Secretary Sonny Angara.
Pinaalalahanan ang lahat ng DepEd officials, teaching at non-teaching personnel na sila ay mahigpit na pinagbabawalang makilahok sa anumang aktibidad na pampolitika, alinsunod na rin sa mga umiiral na polisiya.
Kabilang anila dito ang Department Order (DO) 48 s. 2018 hinggil sa Prohibition on Electioneering and Partisan Political Activity, at DO 47 s. 2022 hinggil sa Promotion of Professionalism in the Implementation at Delivery of Basic Education Programs and Services, at mga amendments nito, sa pamamagitan ng DO 49 s. 2022.
Binigyang-diin ng ahensiya na ang EOSY rites, gaya ng graduation at moving-up ceremonies, ay hindi dapat na maging maluho at sa halip ay maging simple lamang ngunit makahulugan.
- Latest